Posts

Showing posts from July, 2019

"Bigong Pag-ibig"

Image
"Bigong Pag-ibig" ni Rozette Vea Baldemor Ang mga mata ng dalaga'y kumikinang-kinang,ang titig niya sa binata'y nakahihibang, mga ngiti'y sintamis ng nararamdamang pag-iibigan, tanging ang sagot ng dalaga lamang ang inaasam. Ang tingin ng lahat ay nasa kanila, tila ba parang artista na inaabangan ang ending ng pelikula. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ng binata, "Oo,sinasagot na kita" mga salitang narinig niya mula sa dalaga na nagdulot ng labis na pagkatuwa. Kasabay nito ang pagpatak ng mga luha niya. Di niya mapigilan ang nararamdamang sakit sa oras na iyon para bang dinurog ang kanyang puso. Mahal na mahal niya ang binata, ngunit masaya na ito sa iba at kailangan na niyang magdesisyon, desisyong alam niyang dapat nung una pa niya ginawa. Pinikit niya nalang ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling mawala ang bigong pag-ibig na nadarama. photo by Jas Jasper Mamanta

"Tulong, hindi kulong"

Image
mula sa rappler.com Maraming mga batang kalye ang pakalat kalat ngayon sa buong Metro Manila, mga namamalimos, nagnanakaw, gumagamit ng ilegal na droga, o kaya naman ay nagnanakaw ng tanggunggong ng mga jeepney driver. Ilan sa kanila ay nakuhaan ng video na nananakit ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan. Madaling nakakatakas ang mga batang nakakagawa ng krimen dahil sa batas na naglalayon na hindi maaaring makulong ang isang bata na may edad na mas mababa sa labing limamg gulang ito'y ayon sa Republic Act 9344 the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Dahil sa batas na ito ay maraming crime gangs, terorista at rebelde ang gumagamit ng mga bata para sa ilegal na gawain. Ngayon ang Senate President Vicente Sotto III ay nagnanais baguhin ang panukalang batas Republic Act of 9344 at babaan ang edad ng kriminal na pananagutan sa siyam at labing-dalawang taong gulang. Ano ba ang profile ng batang kriminal sa Pilipinas? Una, siya ay mahirap, pangalawa, maaga siyang nasad

Ano ang Pagbasa?

Image
Ang pagbasa , ayon sa Ama ng Pagbasa na si Dr. William Gray , ay binubuo ng apat na hakbang. Ang persepsyon, komprehensyon, reaksyon at integrasyon. Persepsyon. Dito ating nakikilala at natutukoy ng mga mambabasa ang mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog Komprehensyon. Dito ating inuunawa ang mga nakalimbag na simbolo at salitang nabasa sa isang teksto. Reaksyon. Ginagamitan ito ng ating kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa isang teksto. Integrasyon. Dito ay ating pinagsasanib o pinag-uugnay ang ating nakaraan at bagong karanasan sa tunay na buhay. Ang pagbasa ay ang pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. Ito ay isang komplex na kasanayanna nangangailangan ng kordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. Ito rin, para sa mga mambasa, ay isang saykolingguwistik na panghuhula kung saan nakabubuo muli ng isang mensahe o kaisipan mula sa tek

Ang Pananaliksik sa Persepyon ng mga Kabataan sa Paninigarilyo

Ang ika-12 siglo ay tunay na madaming kayang ialok sa henerasyon na ito at ang mga kabataan ay namumulat sa liberal na pananaw ng pamumuhay sa paligid at lipunan. Ang mga kabataan sa araw na ito ay lumalabas na mas agresibo kaysa sa mga nakaraang henerasyon, kaya naman sila ay kadalasang gumagawa ng mga masamang gawain sa murang edad. Ang mga halimbawa ng mga masamang gawain na ito ay kadalasang pag-inom ng alak, pagsubok ng pagtatalik ng hindi pa kasal, pagdodroga at paninigarilyo. Subalit, ang mga nananaliksik ay nais lamang na magpokus sa mga kabataan na nagsisigarilyo dahil ito ay ang pinakalaganap na aktibidad na ginagawa ng mga kabataan. Mga kabataan na may edad 13 hanggang 17, na tinatawag na "minors", sila ay mas mapusok at was malakas ang loob. Sila ay kadalasang may maikling pasensya at laging iniisip na sila ay malayang nagsasarili ng kanilang mga desisyon. Ang pagkontrol sa kanila ay mahirap. Kadalasan nilang ginagaya ang mga

LABAN O PAALAM

"LABAN O PAALAM" ni Joana Karla Agustin Mahal ko, walang gabing hindi ka naalala Mga ngiting kay tamis di mabura Ngunit itoy nawala ng parang bula N ang iniwang mag isa ang pusong nangungulila. Nangakong pagsuyo'y di guguho Ngunit nandito ako sa punto ng buhay ko Kung saan naiisip kong sumuko Pagkat gulong gulo na ang isipan ko. Kung ipaglalaban pa ba kita o tuluyang kakalimutan Gusto ko pa sanang lumaban Ngunit pagod na ang aking isipan Sapagkat maraming umiikot na katanungan. Akala ko ba tayo'y hanggang dulo Ang mga sinalaysay na mga pangako Makulay na mundo Ngayon ay naglaho. Sabi ng puso ko laban pa Pero sabi ng isip ko tama na Alin ba ang dapat kong paniwalaan Bakit hindi parating magkatugma ang sinasabi ng puso at isipan. Gusto kong maghanap ng dahilan para ipaglaban ka Pero ikaw na minahal ko tuluyan na akong sinukan Gusto kong maghanap ng dahilan para ipaglaban ka Pero ikaw na ipinaglalaban ko tuluyan na akong sinukuan.

“Mga Dapat Kainin Upang Makaiwas sa Diabetes” ni Joel Fuhrman, MD

Image
Diabetes ang ika-pitong sakit na nangunguna sa rason kung bakit madaming namamatay sa Amerika. Sinisira ng diabetes ang bato, cardiovascular system, mga nerves at tissue sa mata at nagdudulot din ito ng cancer risk. Kaya naman, may mga iilang pagkain ang napag-aralan na maaaring makatulong sa mga diabetics at sa pag-iwas sa diabetes. Ito ang mga sumusunod: 1. Green Vegetables. Lahat ng madahon na gulay, cruciferous na gulay at iba pang luntiang gulay ang pinaka-importanteng pagkain na talagang makakatulong sa pag-iwas sa diabetes. Ang mga luntiang gulay ay mas makakatulong sa pag-iwas sa type 2 diabetes dahil maapektuhan nito ang HbA1c levels kung saan dito nakikita kung gaano kadaming glucose ang meron ka sa katawan. Kung marami kang makakain na madahong gulay, 14% ang posibleng makaiwas ka sa type 2 diabetes. 2. Non-starchy Vegetables. Ang mga non-starchy na gulay gaya ng sibuyas, mushroom, talong, peppers at iba pa ay isang importanteng gulay na makakatulong sa pag-iw