LABAN O PAALAM
"LABAN O PAALAM"
ni Joana Karla Agustin
Mahal ko, walang gabing hindi ka naalala
Mga ngiting kay tamis di mabura
Ngunit itoy nawala ng parang bula
Nang iniwang mag isa ang pusong nangungulila.
Nangakong pagsuyo'y di guguho
Ngunit nandito ako sa punto ng buhay ko
Kung saan naiisip kong sumuko
Pagkat gulong gulo na ang isipan ko.
Ngunit nandito ako sa punto ng buhay ko
Kung saan naiisip kong sumuko
Pagkat gulong gulo na ang isipan ko.
Kung ipaglalaban pa ba kita o tuluyang kakalimutan
Gusto ko pa sanang lumaban
Ngunit pagod na ang aking isipan
Sapagkat maraming umiikot na katanungan.
Gusto ko pa sanang lumaban
Ngunit pagod na ang aking isipan
Sapagkat maraming umiikot na katanungan.
Akala ko ba tayo'y hanggang dulo
Ang mga sinalaysay na mga pangako
Makulay na mundo
Ngayon ay naglaho.
Ang mga sinalaysay na mga pangako
Makulay na mundo
Ngayon ay naglaho.
Sabi ng puso ko laban pa
Pero sabi ng isip ko tama na
Alin ba ang dapat kong paniwalaan
Pero sabi ng isip ko tama na
Alin ba ang dapat kong paniwalaan
Bakit hindi parating magkatugma ang sinasabi ng puso at isipan.
Gusto kong maghanap ng dahilan para ipaglaban ka
Pero ikaw na minahal ko tuluyan na akong sinukan
Gusto kong maghanap ng dahilan para ipaglaban ka
Pero ikaw na ipinaglalaban ko tuluyan na akong sinukuan.
Pero ikaw na minahal ko tuluyan na akong sinukan
Gusto kong maghanap ng dahilan para ipaglaban ka
Pero ikaw na ipinaglalaban ko tuluyan na akong sinukuan.
Comments
Post a Comment