“Mga Dapat Kainin Upang Makaiwas sa Diabetes” ni Joel Fuhrman, MD


Diabetes ang ika-pitong sakit na nangunguna sa rason kung bakit madaming namamatay sa Amerika. Sinisira ng diabetes ang bato, cardiovascular system, mga nerves at tissue sa mata at nagdudulot din ito ng cancer risk. Kaya naman, may mga iilang pagkain ang napag-aralan na maaaring makatulong sa mga diabetics at sa pag-iwas sa diabetes.
Ito ang mga sumusunod:
1. Green Vegetables. Lahat ng madahon na gulay, cruciferous na gulay at iba pang luntiang gulay ang pinaka-importanteng pagkain na talagang makakatulong sa pag-iwas sa diabetes.
Ang mga luntiang gulay ay mas makakatulong sa pag-iwas sa type 2 diabetes dahil maapektuhan nito ang HbA1c levels kung saan dito nakikita kung gaano kadaming glucose ang meron ka sa katawan. Kung marami kang makakain na madahong gulay, 14% ang posibleng makaiwas ka sa type 2 diabetes.
2. Non-starchy Vegetables. Ang mga non-starchy na gulay gaya ng sibuyas, mushroom, talong, peppers at iba pa ay isang importanteng gulay na makakatulong sa pag-iwas sa diabetes dahil ito ay merong almost nonexistent effects sa blood glucose na binubuo ng fiber at phytochemicals.


3. Beans. Ang mga beans, lentils at iba pang legumes ay mapagkukuhanan ng carbohydrates na kailangan ng ating katawan.
Mababa ang low glycemic load ng beans dahil meron itong tamang protein, fiber at resistant starch. Ito ay nagbabawas ng calories at isa pa, ang resistant starch ay nagfeferment dahil sa bacteria ng colon na gumagawa ng produktong makakatulong sa pagprotekta sa sakit na colon cancer. Ang pagkain ng bean at legume ay makakatulong sa pag-iwas sa colon cancer at diabetes.
4. Nuts and Seeds. Ito ay mababa rin sa glycemic load, tumutulong sa pagbabawas ng timbang at meron ding tinatawag na anti-inflammatory na umiiwas sa pagtigil ng insulin sa ating katawan.


5. Fresh Fruit. Ang mga prutas ay mayaman sa fiber at antioxidants. Ito rin ang mainam na kainin kapag ang isang tao ay nais kumain ng matamis. Sa bawat 3 serving ng prutas sa bawat araw, may posibilidad na 18% ang pag-iwas mo sa diabetes.
Para sa mga may diabetes, mainam na patuloy na kumain ng berries, kiwi, oranges at melon.

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Pagbasa?

LABAN O PAALAM

"Tulong, hindi kulong"