"Bigong Pag-ibig"

"Bigong Pag-ibig"

ni Rozette Vea Baldemor


Ang mga mata ng dalaga'y kumikinang-kinang,ang titig niya sa binata'y nakahihibang, mga ngiti'y sintamis ng nararamdamang pag-iibigan, tanging ang sagot ng dalaga lamang ang inaasam. Ang tingin ng lahat ay nasa kanila, tila ba parang artista na inaabangan ang ending ng pelikula. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ng binata, "Oo,sinasagot na kita" mga salitang narinig niya mula sa dalaga na nagdulot ng labis na pagkatuwa.



Kasabay nito ang pagpatak ng mga luha niya. Di niya mapigilan ang nararamdamang sakit sa oras na iyon para bang dinurog ang kanyang puso. Mahal na mahal niya ang binata, ngunit masaya na ito sa iba at kailangan na niyang magdesisyon, desisyong alam niyang dapat nung una pa niya ginawa. Pinikit niya nalang ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling mawala ang bigong pag-ibig na nadarama.

Image may contain: one or more people, people standing, sky, twilight, cloud, ocean, outdoor and nature
photo by Jas Jasper Mamanta

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Pagbasa?

"Tulong, hindi kulong"

LABAN O PAALAM