Ano ang Pagbasa?


Ang pagbasa, ayon sa Ama ng Pagbasa na si Dr. William Gray, ay binubuo ng apat na hakbang. Ang persepsyon, komprehensyon, reaksyon at integrasyon.
    Image result for reading clipart
  1. Persepsyon. Dito ating nakikilala at natutukoy ng mga mambabasa ang mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog
  2. Komprehensyon. Dito ating inuunawa ang mga nakalimbag na simbolo at salitang nabasa sa isang teksto.
  3. Reaksyon. Ginagamitan ito ng ating kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa isang teksto.
  4. Integrasyon. Dito ay ating pinagsasanib o pinag-uugnay ang ating nakaraan at bagong karanasan sa tunay na buhay.
Ang pagbasa ay ang pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. Ito ay isang komplex na kasanayanna nangangailangan ng kordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. Ito rin, para sa mga mambasa, ay isang saykolingguwistik na panghuhula kung saan nakabubuo muli ng isang mensahe o kaisipan mula sa tekstong binasa.

May dalawang uri ng mapanuring pagbabasa. Ang intensibo at ekstensibong pagbasa.

Image result for focus clipart
Ang intensibong pagbasa kung saan masinsinan at malalim ang pagbigkas ng isang tiyak na teksto.  Nasusuri ang kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at detalyadong pagsusuri sa estruktura upang munawaan ang literal na kahulugan. 

Image result for reading clipartAng ekstensibong pagbasa ay kadalasan ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ang makuha lamang Ang pinaka esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin.







Gawa nina Jhoannaluz Billen at Tricia Mae Buyao


Comments

Popular posts from this blog

LABAN O PAALAM

"Tulong, hindi kulong"