Ang Pananaliksik sa Persepyon ng mga Kabataan sa Paninigarilyo
Ang ika-12 siglo ay tunay na madaming kayang ialok sa henerasyon na ito at ang mga kabataan ay namumulat sa liberal na pananaw ng pamumuhay sa paligid at lipunan. Ang mga kabataan sa araw na ito ay lumalabas na mas agresibo kaysa sa mga nakaraang henerasyon, kaya naman sila ay kadalasang gumagawa ng mga masamang gawain sa murang edad. Ang mga halimbawa ng mga masamang gawain na ito ay kadalasang pag-inom ng alak, pagsubok ng pagtatalik ng hindi pa kasal, pagdodroga at paninigarilyo. Subalit, ang mga nananaliksik ay nais lamang na magpokus sa mga kabataan na nagsisigarilyo dahil ito ay ang pinakalaganap na aktibidad na ginagawa ng mga kabataan.
Mga kabataan na may edad 13 hanggang 17, na tinatawag na "minors", sila ay mas mapusok at was malakas ang loob. Sila ay kadalasang may maikling pasensya at laging iniisip na sila ay malayang nagsasarili ng kanilang mga desisyon. Ang pagkontrol sa kanila ay mahirap. Kadalasan nilang ginagaya ang mga bagay na kanilang naririnig at nakikita bagkus sa maaring maging kalabasan nito.
Paglalahad ng Suliranin
Nais ng mananaliksik na makahanap ng sagot sa paggamit ng mga tinedyer ng sigarilyo at ang mga sumusunod na layunin ay magsisilbing gabay upang maabot ang layunin ng pag-aaral.
1. Upang makakuha ng mas malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng pagtingin sa nakapaligid na mundo ng mga tinedyer na naninigarilyo at ano ang kanilang mga pananaw sa paninigarilyo ng sigarilyo.
2. Upang matukoy ang iba't ibang mga kaganapan at karaniwang mga aktibidad kung bakit sila naninigarilyo.
3. Upang mamulat sila sa kung ano ang epekto ng paninigarilyo sa ating katawan.
4. Upang bumuo o mag-organisa ng mga programa na maaaring magpaiwas sa kanila sa paninigarilyo.
3. Upang mamulat sila sa kung ano ang epekto ng paninigarilyo sa ating katawan.
4. Upang bumuo o mag-organisa ng mga programa na maaaring magpaiwas sa kanila sa paninigarilyo.
Gawa nina Bea Vernadenne Costales at Nicole Pangan.
Comments
Post a Comment