"Tulong, hindi kulong"

mula sa rappler.com
Maraming mga batang kalye ang pakalat kalat ngayon sa buong Metro Manila, mga namamalimos, nagnanakaw, gumagamit ng ilegal na droga, o kaya naman ay nagnanakaw ng tanggunggong ng mga jeepney driver. Ilan sa kanila ay nakuhaan ng video na nananakit ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan. Madaling nakakatakas ang mga batang nakakagawa ng krimen dahil sa batas na naglalayon na hindi maaaring makulong ang isang bata na may edad na mas mababa sa labing limamg gulang ito'y ayon sa Republic Act 9344 the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Dahil sa batas na ito ay maraming crime gangs, terorista at rebelde ang gumagamit ng mga bata para sa ilegal na gawain. Ngayon ang Senate President Vicente Sotto III ay nagnanais baguhin ang panukalang batas Republic Act of 9344 at babaan ang edad ng kriminal na pananagutan sa siyam at labing-dalawang taong gulang. Ano ba ang profile ng batang kriminal sa Pilipinas? Una, siya ay mahirap, pangalawa, maaga siyang nasadlak sa mapapait na mga karanasan, at pangatlo, exposed siya sa kriminalidad. Nakapanlulumo na dalawang beses magiging biktima ang mga bata: Hindi na nga sila sinagip ng sistema mula sa kahirapan, pero ngayon, ituturing pa silang kriminal kahit pinagsamantalahan o pinabayaan ng matatanda. (BASAHIN: Criminalization is not what we owe our children) Kumplikado ang problema ng kriminalidad sa hanay ng kabataan. Kailangan nito ng malawak, malalim, sensitibo at matalinong pag-atake sa problema – hindi sinturong lalatay sa balat o martilyong babasag sa bungo ng mga musmos. (BASAHIN: Why jailing kids is not just cruel, it’s stupid too) Tunay na may mga batang nakagawa ng karumaldumal na mga krimen, pero solusyon ba rito ang panukalang batas? Hindi bababa ang crime rate kapag ikinulong ang mga bata. Hindi nito mapipigilan ang paggamit sa mga bata sa krimen. Higit sa lahat, ang bilangguan ay hindi para sa mga bata. Malupit, marahas, ’di makatarungan at ‘di makatao ang panukalang ibaba sa 12 anyos ang criminal liability.



Gawa nina Madelaine Kadile at Rhonzel Lacorum
Reperesensiya:
https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/views/animated/222065-save-the-children-age-criminal-responsibility-12-years-old

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Pagbasa?

LABAN O PAALAM